
Binasa natin sa Ebanghelyo na sinugo ni Jesus ang mga alagad ng dala-dalawa upang ipangaral ang tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ang kanilang misyon ay katulad ng ating misyon, hindi tayo nag-iisa, kundi sama-sama tayong naghahatid ng kapayapaan sa mga tumatanggap sa atin. Ang Diyos ang dapat nating pagtiwalaan para magtagumpay ang ating mga gawain.
Sinugo ni Jesus ang mga alagad ng dala-dalawa, dahil nais ni Jesus na magmisyon tayo bilang komunidad. Sa aming misyon sa Dalahikan, Lucena, grupo-grupo kaming dumadalaw sa mga bahay at kitang-kita ko na masaya ang mga tao dahil sa aming presensya. Masaya sila dahil sa aming pagdalaw, nalalaman nila kung saang Simbahan sila kabilang. At masaya din kami dahil tinatanggap kami ng mga tao at nagagampanan namin ang aming tungkulin na ipangaral ang Mabuting Balita.
Ang pagkasugo sa amin ay katulad ng pagsugo ni Jesus sa mga alagad niya, hindi lamang upang magsalita tungkol sa Diyos, kundi para maglingkod din sa mga tao. Kaya ang mga sugo ni Jesus ay nagpapahayag ng Kanyang Salita at kumikilos sa pagkakawang-gawa.
Nasaan ba kayo noon?
Ang kwentong itong ay tungkol sa mabubuting gawain ng dalawang misyonero sa China. Nangyari ito noong 1950, bago pinaalis ng mga komunista ang mga pari doon. May isang babae na nag-iisa na sa buhay. Siya’y matanda na at mahirap lang kaya lagi siyang walang makain at matirhan. Ang laging tumutulong sa kanya ay ang dalawang paring misyonero. Minsan tinanong ng babae ang mga pari: “Walang ibang nagmamalasakit sa akin, kayo’y Katoliko, at budista ako, bakit ninyo ako tinutulungan?”
Dahil ang lumikha sa amin, ay lumikha din sayo, at iisa ang ating Diyos –sabi ng isa sa mga pari. – Nag-utos si Kristo sa amin na dapat naming tulungan ang mga nangangailangan.
Ang ganda pala ng relihiyon ninyo... At si Kristo na sinasabi mo, siya ba ang nagtatag sa inyo?– tanong naman ng babae. Buhay pa ba siya?
Opo! - sabi ng misyonero. -Si Kristo ang nagtatag sa amin at nag-utos na dapat naming tulungan ang aming kapwa. Pero siya’y namatay 2000 taon na ang nakalilipas, pero muling nabuhay at umakyat sa langit.
Ibig mong sabihin sinugo niya kayo para tulungan ninyo ang iyong kapwa buhat pa noong 2000 taong nakalilipas? nagtanong ang matanda. Nasaan ba kayo noon at hindi agad namin kayo nakilala? Bakit ngayon pa lang namin kayo nakita?
Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko? Ito ang tanong ng babaeng matanda. Ang daming taong naghihintay ng ating tulong sa kongkretong paraan. Ang kristiyano ay sinusugo ni Kristo upang tumulong sa mga may pangangailangan. Sa ating pagmamalasakit sa kapwa makikita talaga ang ating pagmamahal kay Jesus.
Magtiwala ka naman
Nang sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: “Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak,” ibig Niyang sabihin ay magtiwala tayo sa Panginoon. Ang tagumpay ng ating misyon ay hindi dahil sa ating husay at galing, o sa mga materyal na bagay, at hindi din sa ating “mga magagandang plano,” kundi sa tiwala natin sa Diyos, dahil siya ang gagabay sa atin at ang magbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan.
Kapag may tiwala tayo sa Diyos, tiyak magbabahagi tayo ng kapayapaan sa ibang tao. Ang mga minamahal mo sa buhay, may kapayapaan ba sa puso nila ng dahil sa’yo? O baliktad, dahil sa mga ginagawa o sinasabi mo, hindi sila mapalagay?
Maganda ang panalangin ni San Francisco, na pwede nating dasalin upang magkaroon tayo ng inspirasyon sa ating mga gawaing misyonero:
“Lord, make me an instrument of your peace.
Where there is hatred, let me sow love;
where there is injury, pardon;
where there is doubt, faith;
where there is despair, hope;
where there is darkness, light;
and where there is sadness, joy.
“Grant that I may not so much
seek to console as to console;
to be understood as to understand;
to be loved as to love;
for it is in giving that we receive;
it is in pardoning that we are pardoned;
and it is in dying that we are born to eternal life.”
No comments:
Post a Comment